I AM A CERTIFIED POPSTER


Sunday, December 6, 2009

SARAH GERONIMO had been IN MOTION in camsur!

kahapon, december 5, nanood kami sa capitol grounds ng concert ni sarah. sabi daw 7pm ang start ng concert.hindi naman.tsk.9pm na nga nagsimula yun eh.palibhasa may nobody but l-ray tapos sabay-sabay thank you pang dance contest.tapos meron din pang salamat, ituloy mo singing contest. haay naku, nakatulog nalang ako habang nakatayo.hehe.

tapos maya-maya, in-announce na magpeperform na nga si sarah.huwat?!totoo na to!bigla tuloy nagtulakan yung mga tao.tsk.siya na nga!hindi talaga ako makapaniwala na siya na nga yung nasa harapan namin.akala ko, malayo pang mangyari yung bagay na yun.akala ko makikita ko lang siya pagkatapos ko grumaduate at magkawork.para may pambili na ako ng ticket pag nagconcert siya.

yan ang tumatakbo sa isip ko habang nakikita siyang papunta ng stage.at hindi pa rin ako makapaniwala na siya na nga yung nakikita ko. sa totoo lang, mangiyak-ngiyak na nga ako habang nanonood sa kanya. grabe!!!

tapos sa kalagitnaan ng panonood namin, bigla ko nalang lumapit si Gov. L-Ray sa amin.so, nagka-chance kami na makipagkamay sa kanya. ako naman, hindi lang shake hands. may kiss pa! san ka pa! ayos talaga pag umiiral ang kakapalan ng mukha!haha.

nung malapit na yung ending, umalis na kami. kasi sabi ni mommy na umalis na kami dun pag malapit na ang ending dahil baka maipit kami dun. kaya ayun. tapos nung nakarating na kami sa ecovillage. habang naglalakad kami ni bel papunta sa cabin namin, narinig namin na kumakanta siya ng forever's not enough. so kami naman, habang papunta sa cabin, kanta nang kanta. nagwawala. haha! feel na feel! tapos yung last song niya, yung salamat, ituloy mo.nasa gate na kami ng cabin namin. hindi pa kami pumapasok kasi nga mga tulog na yung andun. eh, trip pa namin magwala. hehe. tapos pinatugtog yung played. syempre ako naman kabisado yung lyrics at steps nun.kaya naman sayaw ako ng sayaw na feeling nagcoconcert din.haha!

grabe. unforgettable na yung date na 'to. memorable na siya. pero syempre manonood pa din ako sa araneta. ang lagay! haha!

tapos kaninang umaga, nagising ako ng 6:30. gusto ko kasing pumunta ng The Mansion. dun kasi nagsstay si sarah kasama yung ibang artista. gusto ko sana siya makita bago man lang sila umalis. tsk. kaso mga tulog pa yung mga kasama ko eh. anyway, nakuntento na ako yung nakita ko siya. buhay na buhay na naman ang aking inspiration! hm. isa na sa goals ko yung pagnood ng concert nya sa araneta nang sa ganun may magandang view na yung pinapanooran ko saka hindi na din ako nakatayo. nakakapagod kaya yun! isipin mo, almost 6 hours akong nakatayo dun para kang makita siya! god! grabeng sakripisyo yung ginawa ko ah!

---isang lesson na natutunan ko. expect the unexpected. ngayon naniniwala na ako jan. hindi ako nag-expect na makakanood ako. pero natuloy kami. kaysa naman nung May. ang sama talaga ng loob ko nung hindi kami natuloy.

I MISS SARAH ALREADY!

Saturday, November 28, 2009

7 days to go...

until now, hindi pa rin ako makadecide kung manonood ba ako. i need some signs.

nasa SM kami, namamasyal.tapos bigla ko nalang narinig yung kanta niya.hindi kaya sign na yun? dalawang beses ko pa naman narinig.hm. siguro yun na nga yung sign.hm. bahala na!basta manonood na ako!:)

Thursday, November 26, 2009

ms. sarah here on camsur, again?

last wednesday, pag-uwi ko ng bahay, sinalubong ako ni bel. nagsisisigaw na si sarah pupunta ulit dito sa camsur. tapos pupunta daw kami doon para manood sa kanya. nung narinig ko yun, hindi ako naexcite. ayoko na kasi maulit yung dati na tumuloy nga kami dun pero hindi naman namin siya nakita. nakakadisappoint lang yun. kaya ayun. sabi ko, maeexcite lang ako pag andun na kami tapos totoong nangyayari na yun. mahirap na kaya.

anyway, marami pa akong oras para pag-isipan ang bagay na yan.:)